Ang nanay nina Aria at Amelia, gagawin ang lahat para sa kanilang pamilya. At ang gusto naman ni Aria ay makatulong naman sa kanyang mama. Kahit kailan hindi sila nagkulang dahil sa pagsisikap ng kanilang ina kaya nang makahanap ng trabaho, sinalo na ni Aria ang pag-papaaral sa bunso niyang kapatid upang ma-enjoy naman ng kanyang mama ang sarili nitong pension. Kaso si Amelia, masyadong nakunsinte ng kanilang ina kaya lumaking lapastangan. Pakinggan ang kwento ni Aria sa Barangay Love Stories.