Four Feet. Iyan ang height ni Jambo. At kahit madalas siyang tuksuhin na unano, nagpursige pa rin siya sa buhay kaya kasama ng kanyang best friend na si Omar, nagsimula sila ng negosyo. Nagkaroon naman ng mga kasintahan si Jambo pero lahat ay pera lang ang habol sa kanya. Tinanggap niya na lang na hinding-hindi na siya magkakajowa. Hanggang isang araw, sa tulong ni Omar, nakilala niya ang dalagang talagang bumihag ng puso niya - si Pilar, na mas mataas sa kanya pero apat na pulgada lang naman. Pakinggan ang kwento ni Jambo sa Barangay Love Stories.