May mga bata talagang maagang nagma-mature hindi dahil gusto nila kun'di dahil sa mga pinagdaanan nila sa pamilya. Biglaan ang pagkawala ng bunsong kapatid ni She Ann kaya naman na-depress ang tatay nila. Pero imbes na magpakatatag para sa kanyang mag-ina, alak ang ginawang takbuhan nito na siyang naging dahilan ng matindi niyang pagbabago. Pakinggan ang kwento ni She Ann sa Barangay Love Stories.