Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Martes, March 31, 2026.
- Mga pasaherong piniling magcommute kesa magdala ng sariling sasakyan ngayong Semana Santa, dagsa sa mga bus terminal
- 1.3M pasahero ang inaasahan sa NAIA; ilang airline, inilipat ng mga terminal
- Hanggang 30% na pagtaas ng pasahe at singil sa mga barko, aprubado ng MARINA
- Pagmahal ng ilang pangunahing bilihin, hindi mapipigilan pagsapit ng April 16
- City Hall: Dating ng mga turista ngayong Semana Santa, nangalahati
- Utos ni PBBM sa DFA: Makipag-dayalogo sa Iran na padaanin sa Hormuz ang oil vessels pa-Pilipinas
- Driver na 'di nagbayad para sa full tank, sumuko; graduating umano ang anak kaya kailangan ng pera
- Bahagi ng Central Luzon Link Expressway, binuksan kanina; libre ang pagdaan sa ngayon dahil wala pang toll
- Halaga ng Piso kontra dolyar, bumagsak pa lalo sa P60.748
- PBB Collab 2.0 Kapuso boys, featured sa lifestyle mag
- Online system (ORAS) para sa ticket reservation, 'di ok sa ilang senior, 'di techie o walang internet
- Discounted o libreng sakay, target ipatupad sa April 15
- Ilang Kapuso at Sparkle stars, nag-flex ng 'summer' beach body
- P38.7M halaga ng ilegal na droga, nabisto sa mga abandonadong parcel galing abroad
- DOE: Posibleng April 12 o 13 iutos ng pangulo ang pagsuspinde o pagtapyas sa oil excise tax
- Half-day WFH, ipatutupad sa mga empleyado ng gobyerno bukas, April 1
- Truck, sumalpok sa poste
- Ruso at kinakasamang Pinay na nasa likod ng bogus umanong recruitment agency, arestado
- David Licauco, 9th placer sa isang 10 km run at 1st sa kanyang age group; Barbie Forteza, proud 10km finisher sa isang women's month event run
- P20/kg taas-presyo sa LPG, ipatutupad ng Petron simula April 1
- 4 na menor de edad na ibinubugaw umano ng kani-kanilang ina, sinagip
- ICI, tinapos na ang operasyon matapos ang anim na buwang imbestigasyon sa flood control scandal
- Paalala sa mga may lakad ngayong Semana Santa: Unti-unti nang tumitindi ang init at alinsangan
- Shuvee Etrata, masaya nang matupad ang dream collab with photographer BJ Pascual
- Paghihigpit imbes na total ban sa Roblox, isinusulong ng ilang grupo
- Lalaking nagmamay-ari ng 'di lisensyadong baril, huli
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.