Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Huwebes, October 2, 2025.
- Bilang ng mga nasawi, umakyat na sa 72; paghuhukay sa mga natabunan, nagpapatuloy
- Mga biktima ng lindol, nangangalampag na para sa pagkain, tubig, at iba pang kailangan
- GMA Kapuso Foundation, nasa Cebu na para maghatid ng tulong sa mga biktima ng lindol
- Mga pasyente ng Cebu Provincial Hospital, unti-unti pinapasok kahit marami pang takot
- Tinabasan ang mga puno, pinatibay ang mga bubong, nag-imbak ng pagkain bilang paghahanda sa bagyo
- Tingin ni Magalong: May tila nakanti siya habang nasa ICI kaya binato siya ng mga akusasyon
- Warehouse ng mga plastic, nasunog
- DOST: Libu-libo ang maaaring mamatay kung sa Metro Manila tumama ang isang malakas na lindol
- PBBM, nag-aerial inspection; may ayudang P50M sa Cebu province, P10-20M sa napuruhang bayan/lungsod
- Mga nasa tabing-dagat at bundok, pinalilikas na; 3-meter taas ng daluyong, ibinabala ng PAGASA
- Pictorial ng inaabangang horror na 'KMJS: Gabi ng Lagim', ipinasilip
- AMLC, inaalam kung may biniling ari-arian abroad o may dineposito sa offshore accounts ang mga dawit sa anomalya
- Satisfaction rating ni PBBM, tumaas sa 46%; net satisfaction, nasa +10 (moderate)
- Bagyong Paolo, bahagyang lumakas habang unti-unting lumalapit sa Luzon
- Team AshCo, may astig roles sa 'Maka Lovestream'
- Doktor, nagpaanak ng buntis sa gitna ng mga pagyanig at pag-ulan
- Mga daan, bahay at establisimyento, nasira; 10 indibidwal, nasawi sa bayan
- Senador Mark VIllar, itinanggi ang alegasyong nakuha ng isa niyang pinsan ang mahigit P18B halaga ng proyekto mula noong nakaupo siya bilang kalihim ng Department of Public Works and Highways
- Coaches ng 'The Voice Kids Philippines,' naghahanda sa kanilang mentoring sessions; style ng pagtuturo, ibinahagi
- Mga bahay, nadaganan ng malalaking bato; 17-anyos na nagligtas sa ina at kapatid, nasawi
- Apela ni Sen. Estrada para i-dismiss ang hinaharap na mga kasong graft kaugnay ng pork barrel scam, ibinasura ng Sandiganbayan
- Mga New Gen Sang'gre, nakatawid na sa Devas; makakaharap ang mga sinaunang kambal-diwa
- Ilang palabas, personalidad at campaign ng GMA, national winners sa kani-kanilang kategorya
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.