Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Huwebes, September 25, 2025.
- Bagyong Opong, unti-unting lumalapit sa lupa; signal no. 3, nakataas na sa ilang lugar
- Rep. Zaldy Co, Sen. Escudero, Ex-Sen. Revilla at Ex-Sen. Binay, isinangkot ni Ex-DPWH Usec. Bernardo
- Nagpakilalang ex-security ni Rep. Zaldy Co, naghatid umano ng 46 na maleta para kay Co at Rep. Romualdez na may tig-P48M bawat isa
- Pumping station, lagi umanong sira; gastos para mapagana, umaabot na sa P900M
- Mga nasa flood-prone area, naghahanda sa bagyo; evacuation centers, nakahanda na rin
- Malakas na ulan at hangin, ramdam sa Visayas at Bicol region; mga residente, naghahanda na
- Pasok sa ilang lugar bukas, kanselado dahil sa inaasahang epekto ng Bagyong Opong
- DOJ: Inirekomenda ng NBI na sampahan ng reklamo sina Sen. Escudero, Rep. Romualdez at iba pang idinawit ni ex-DPWH Usec. Bernardo
- Mga taga-Brgy. Pinagsabangan, nangangamba sa bagong bagyo; kulang umano ang pangontra-baha
- Andrea Torres, enjoy sa kanyang single era; hobby ang magluto at mag-cafe hopping
- Mga larawan kung saan isa-isang nakasama ni dating DPWH Engr. Henry Alcantara sa magkakaibang pagtitipon sina Sen. Jinggoy Estrada, Joel Villanueva at dating Senador Bong Revilla, kumakalat online
- Bagyong Opong, inaasahang mag-landfall sa Northern Samar o Eastern Samar
- Bagyong Opong, posible pang lumakas bago pa man tumama o tumawid sa lupa kaya paghandaan pong mabuti ang magiging epekto nito at ng pinalalakas na Habagat
- Ilang biyahe sa PITX, kanselado; pinakamarami ang biyaheng Mindoro
- Ex-DPWH Usec. Bernardo, provisionally accepted sa witness protection program; 'di pa state witness
- Rep. Garin: Sumingit sa budget deliberation si Rep. Barzaga pero nag-sorry na sa inasal
- Shuvee, tuloy-tuloy ang focus sa trabaho at positivity sa gitna ng sunud-sunod na projects
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.