Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Miyerkules, September 17, 2025.
- Martin Romualdez, nagbitiw bilang House Speaker; pinalitan ni Rep. Bojie Dy
- House Speaker Faustino Dy III, malapit na kaibigan ng pamilya Marcos
- Malacañang, tiniyak na makikipagtulungan ito kay bagong House Speaker Faustino Dy III
- Bahagi ng bayan, binaha hanggang baywang dahil sa ulan; suplay ng kuryente, naputol
- Ilang kalsada, niragasa ng tubig na may buhangin at bato na galing sa bundok
- Pagbalik sa 5-taon na prangkisa ng traditional jeep at pagkondena sa korapsyon sa gobyerno, ipinanawagan
- Will Ashley, nagdiriwang ng kanyang 23rd birthday
- Nag-overtake na pickup truck, nahulog sa sapa; driver, patay
- Malacañang sa pagbatikos ng bise sa pagbuo ng ICI: Ang gusto ng pangulo ay due process
- Baguio CDRRMO, binabantayan ang landslide-prone areas sa lungsod
- Bagyong Mirasol, patuloy na magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa; isa pang bagyo na tatawaging "Nando," inaasahang papasok sa PAR anumang oras
- PNP-CIDG: Nagtangkang manuhol para iatras ang demanda vs. Ang, kapatid ng 1 sa mga nawawala
- Pag-alis sa pondo para sa flood control projects para sa taong 2026, inalmahan ng ilang kongresista
- Riprap sa Rangas River, utay-utay ang paggawa;'di pa tapos, winasak na ng mga bagyo
- AFP: SOP ang red alert sa gitna ng mga protesta; walang banta sa kapayapaan o pamahalaan
- Pagparada sa mga national primary road, ipinagbawal ng Metro Manila Council
- Imbestigasyon ng NBI Task Force para suportahan ang ICI, gumugulong na
- VP Duterte, bumisita at nakipag-usap sa mga senador na bahagi ng Duterte Bloc
- PCG, itinangging ang barko ng BFAR ang bumangga sa CCG Vessel kahapon
- New Gen Sang'gre Terra, Flamarra, Deia, at Adamus nagsama-sama na; Pirena, matatanggap kaya si Deia?
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.