Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Miyerkules, August 20, 2025.
- Kumpanyang bayad na at nagdeklarang tapos pero hindi itinayo, kakasuhan ng economic sabotage
- Mahigit P500M halaga ng umano'y shabu, narekober sa pickup na tumakas sa checkpoint
- TNVS driver, sugatan nang saksakin at paluin sa ulo ng mga nag-book na pasahero
- Multa sa mga magtatapon ng basura sa mga ilog at creek sa Metro Manila, isinusulong na bigatan
- Magnitude 4.7 na lindol sa Batangas, ramdam sa ibang probinsya at Metro Manila
- VP Duterte: Napag-iiwanan ang PHL education; Palasyo: Reflection ito ng failure niya sa DepEd
- Bag ni COMELEC Chairman Garcia, tinangay; 1 sa 6 suspek, arestado
- Source: Extradition request para kay Pastor Quiboloy, isinumite sa DOJ
- P380M dike na 2023 lang natapos, sira na ang manipis na semento, halos walang bakal
- Sunwest Construction and Development Corporation, inumpisahan na ang rehabilitasyon sa mga sirang bahagi ng flood control project nito sa Oriental Mindoro
- Mga umano'y sangkot sa smuggling, pinangalanan ni Sen. Pangilinan
- Proyektong idineklarang tapos na noong 2024, kinukumpuni pa at tinatambakan ng bato
- Palasyo: Labag sa batas ang panukala ni Sen. Padilla na drug test sa government officials
- PAGCOR: Bumagsak ang transactions nang alisin ng e-wallet ang links ng gambling companies
- Baha at landslide, namerwisyo sa Mindanao; 2 patay sa pagguho sa Zamboanga City
- Mino-monitor na Low Pressure Area, nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility
- Tow truck, nagkakaubusan dahil sa dami ng nahatak na sasakyan; ang iba naman, natiketan
- International Criminal Court Prosecutor Karim Khan, walang nakikitang dahilan para hindi siya payagang lumahok sa pagdinig sa kasong crimes against humanity laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte
- Proyekto sa Tarlac, nakitaan ng butas at litaw na bakal, mabilis umanong masira
- Isang kongresista sa Oriental Mindoro, nakakuha umano ng mahigit kalahati ng flood control budget sa probinsya
- Giit ni Rep. Panaligan: Wala siyang kinalaman sa mga proyektong binanggit ni Sen. Lacson
- 20+ jeepney driver, tiniketan dahil pudpod ang gulong, depektibo ang ilaw o nagpapasabit
- Dustin at Bianca, bukas ring makatrabaho si Will Ashley
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.