Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Huwebes, August 7, 2025.
- Lalaki, nalapnos nang masabugan dahil sa LPG leak; 'di umano tinanggap sa unang ospital na pinagdalhan
- 'Di bababa sa 9, patay nang mahulog sa bangin ang sinasakyang truck
- Senado, in-archive ang impeachment complaint vs VP Duterte sa botong 19-4 at 1 abstain
- Romualdez: Articles of impeachment, inilibing sa pag-archive nito ng Senado
- Kampo ng bise: Maaga pa para masabing patay ang impeachment; handa anumang kahinatnan nito
- 18-anyos, binaril ang 15-anyos na dati umanong kasintahan bago ang sarili; kapwa sila kritikal
- Pagsuspinde ni Pres. Marcos sa importasyon ng bigas, ikinatuwa ng ilang magsasaka
- Leptospirosis cases sa NKTI, umakyat na sa 50; hospital gym, ginawa nang 'lepto' ward
- 2 tumangay umano ng e-bike, hinarang
- Pres. Marcos: Sobrang liit ng papel ng pangulo sa impeachment at interesadong tagamasid lang
- Paolo Contis, reunited sa mga anak kay Lian Paz; thankful sa dating asawa at sa partner nito
- Recruiter, inaresto dahil sa pag-abuso umano sa mga aplikante
- PAGASA: Naging bagyo na ang isa sa dalawang Low Pressure Area na mino-monitor
- Mga bumarang basura sa ilalim ng Caingin Bridge na dahilan ng baha sa NLEX, nilinis at hinakot
- DOJ, magpapatulong sa pagsuri ng mga bungo sa Taal sa Japan at sa Anthro at Forensic Pathology Depts ng U.P.
- Mahigit P152,000 na idedeposito sana sa bangko ng isang lalaki, tinangay ng 'riding-in-tandem'
- Maaring buhayin ng tamang mosyon ang in-archive na impeachment complaint ng Senado, ayon sa consti law experts
- Kaayusan ng North Edsa Station, gustong gayahin sa pagpapaganda ng iba pang istasyon ng EDSA Busway
- VP Duterte sa pagka-archive ng impeachment complaint: Kailangan irespeto at sundin ang desisyon ng Senado
- Tuluyang pagbabawal ng online sugal, tinitimbang ni Pres.Marcos dahil baka lalong maging problema
- Stunts ni Bianca Umali sa "Sang'gre," pinuri ng ilan; bf na si Ruru Madrid, proud kay Bianca
- Certificate ng Primewater para makapag-supply ng tubig sa kanila, hiniling ng Tierra Nova Subdivision na makansela
- Sofia Pablo at Allen Ansay, all smiles sa kanilang first day as college students
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.