Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Martes, August 5, 2025.
- Rider na pinahithit umano ng 'tuklaw,' nanigas at umiiyak sa isang viral video
- 7 pasyente sa San Lazaro Hospital, nasawi dahil sa leptospirosis
- 17 Chinese na nagpapatakbo umano ng love scam at 8 Pinay, arestado
- Pulis na ninakawan habang nagpapa-carwash at saksi, sugatan nang barilin ng 'riding-in-tandem'
- Grupong 1Sambayan, hiniling sa SC na pigilan muna ang Senado sa pagpasya kung itutuloy o hindi ang impeachment trial ni VP Duterte
- Umano'y pekeng doktor sa mata, inaresto ng NBI matapos ireklamo ng dating pasyente
- PSA: 0.9% inflation rate nitong Hulyo, pinakamabagal mula noong October 2019
- Cardinal David: Malaking kabalintunaan ang pagkaso sa mga mahihirap na nagsusugal gayong ang gobyerno ang pinakamalaking operator ng online gambling
- Mga baradong daluyan ng tubig malapit sa NLEX, regular na pinalilinis ng DOTr sa NLEX Corp.
- Mga kasunduang palakasin ang PHL-India relations, tulad ng kooperasyon sa National Defense, nilagdaan
- Low Pressure Area na nabuo kahapon sa Karagatang Pasipiko, pumasok na sa Philippine Area of Responsibility
- Barbie Forteza at Jameson Blake, spotted na magka-holding hands sa GMA Gala 2025; Jameson sa real score nila ni Barbie: "No comment"
- 13-anyos na suspek sa pagpatay sa 8-anyos, mahaharap sa kasong kriminal
- Cubao-Antipolo na biyahe ng LRT-2, 1 oras itinigil dahil sa lightning strike
- Suspek na nambugbog sa babae hanggang mamatay, arestado sa Batangas; biktima posibleng ginahasa rin, ayon sa pulisya
- OCTA Research Survey: Trust at performance rating ng Senado bumaba habang tumaas naman ang sa Kamara
- Ilang Kapuso men, all-out sa kanilang looks for the GMA Gala 2025
- Closed van, sumalpok sa 4 na tricycle; kritikal ang 2 sa 5 sugatan
- China, iginiit na naaayon sa batas ang ginawa ng Chinese vessels sa Kalayaan Islands na nasa kanila umanong hurisdiksyon
- GMA 75th anniversary station ID, may mahigit 6.8M views and counting
- Mungkahi ng DA: Taas-taripa sa imported na bigas para protektahan ang mga lokal na magsasaka
- Rider na walang lisensya, nagtangkang tumakas at muntik maka-disgrasya pero nahuli pa rin
- Hontiveros: Mahigit P1B ang ininvest ng GSIS sa online gambling
- Stars ng 'Encantadia Chronicles: Sang'gre' agaw-pansin ang pagrampa sa GMA Gala
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.