Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Lunes July 28, 2025.
- PBBM sa mga aniya'y nakikipagsabwatan para kunin ang pondo ng bayan: Mahiya naman kayo
- Sa botong 19-5, mananatiling Senate President si Sen. Escudero habang Minority Leader si Sen. Sotto
- Rep. Romualdez, mananatiling Speaker; Minority Leader si Rep. Libanan
- Utang ng bansa, flood control projects, atbp. ilan sa binatikos ni VP Duterte bago pa ang SONA
- Baha, problema pa rin sa bahagi ng Malabon, Navotas, at Valenzuela
- Pangamba ng ilan, dadami ang kunwaring mga impeachment complaint para masimulan ang "one year bar rule"
- PAGASA: Wala nang bagyo sa PAR, pero patuloy na makararanas ng ulan ang ilang bahagi ng bansa dahil sa Habagat
- 5 sa 10 inmate na tumakas sa provincial jail, nakorner sa sinakyang bus; 3 iba pa, naaresto rin
- Justice Mariflor Punzalan-Castillo, itinalagang acting Ombudsman
- Fingerlings ng tilapia sa ilang palaisdaan sa Laurel, Batangas, halos ubos matapos umapaw kasunod ng mga bagyo at Habagat
- PBB Big Winner Mika Salamanca at ibang housemates, tumulong sa mga nasalanta ng bagyo at Habagat; ilang Kapuso stars, nagpaabot din ng kani-kanilang tulong
- Pagpapanagot sa mga opisyal ng bansa, ilan sa panawagan ng mga nag-rally
- Mga taga-suporta ni Pres. Marcos kabilang ang ilang sumakay sa MMDA truck, nagtipon sa Commonwealth
- Panawagan ng mga kaanak ng mga nawawala kay Pres. Marcos ngayong SONA: Tutukan ang kaso
- DA Spokesperson, sinabing walang inaasahang pagmahal dahil katatanim lang ng mga nasalanta
- Eroplano, bumulusok sa highway; 2 patay; 2 sasakyan, nadamay; 3 sugatan
- Pagtiyak ng DPWH: Agarang isusumite at isasapubliko ang flood control projects; DOTR: Pagbabalik sa "Love Bus," agad aaksyunan
- Ilang kongresista, nakulangan din sa talumpati ni PBBM
- Black carpet premiere ng horror film na "P77," star-studded; mapapanood na sa July 30
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.