Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Huwebes, July 24, 2025.
- Tila promo post ng alkalde na humingi ng selfie kapalit ng ayuda, inulan ng batikos
- 3-anyos na posibleng tinangay ng malakas na agos sa ilog, hinahanap pa
- Mga pagguho at bumagsak na puno, naitala; Kennon Rd., sarado pa rin sa mga motorista
- Bagyong Emong, patuloy na lumalapit sa kalupaan at posibleng mag-landfall bukas o madaling araw; Wind Signal no. 4, nakataas na sa ilang lugar
- #WalangPasok: Listahan ng mga walang pasok bukas (July 25) dahil sa masamang panahon
- Wind Signal no. 4, nakataas sa southwestern portion ng Ilocos Sur; Signal No. 3 sa nalalabing bahagi
- Navotas at Valenzuela, nasa state of calamity; ilang kalsada sa Malabon, lubog din sa baha
- Bahagi ng dike sa Lubao, kinain ng malakas na ragasa ng tubig sa dam; mga nakatira sa paligid, inilikas
- Kalusugan ng evacuees, pinababantayan ni PBBM; nanguna rin sa pamamahagi ng tulong
- Bahay malapit sa creek na tinitirahan ng mahigit 30, gumuho
- Mga bahay at tindahan, pinapasok ng baha; public transport, limitado
- SONA ni Pres. Marcos sa July 28, tuloy kahit inaasahang magiging maulan pero gagawing mas simple
- Taas-babang baha, problema ng mga taga-Lemery; mahigit 400 pamilya na ang lumikas
- Isang evacuation center, binaha; mga evacuee, lumikas sa 2F ng school building
- Ilang mamimili, hirap mag-budget dahil sa mahal ng mga bilihin
- Bahagi ng coastal road, sinira ng mga alon; storm surge warning, nakataas sa buong Zambales
- Pader ng isang private property, bumagsak; baha, rumagasa sa subdivision
- ICC Pre-Trial Chamber, pinagbigyan ang hiling ni ex-pres. Duterte na ipagpaliban ang desisyon kaugnay sa kaniyang petisyon para sa interim release
- "P77" na showing this July 30, 1st horror film ng GMA Pictures in almost 14 years
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.