Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Martes, July 22, 2025.
- Bagyo na ang isa sa mga binabantayang LPA; pinangalanang Bagyong Dante; may 2 LPA pa
- Sasakyan, tinangay ng baha at nahulog sa sapa; driver, natagpuang patay; pasahero, hinahanap
- State of calamity, idineklara sa Cavite; hanggang dibdib na baha, naranasan
- Bahagi ng Las Piñas, baha pa rin; ilog, umapaw; mga motorista, stranded
- Mga motoristang dumaan sa NLEX, stranded nang mahigit 6 na oras dahil sa baha
- Pasok sa klase at government office sa ilang lugar bukas, July 23, sinuspinde ng Malacañang
- Tulong ng gobyerno sa mga apektado ng Habagat at bagyo, tiniyak ni Pres. Marcos habang nasa U.S.
- NDRRMC: 2 na ang kumpirmadong nasawi sa Bagyong Crising, Habagat at mga LPA; 4 ang bineberepika pa
- 17 barangay sa Calasiao, binaha; may abot-bubong na baha kaya may nagbabalsa
- Ilog, umapaw dahil mga bumarang water lily; LGU at volunteers, inalis ang mga ito
- Marami sa mga lumikas sa Marikina, nakauwi na; siksikan ang mga lumikas sa Malanday E.S. kagabi
- Barasoain Church, binaha pero 'di napigil ang kasal
- Isa sa dalawang LPA na minomonitor sa loob ng PAR, naging bagyo na; maulang panahon, magpapatuloy sa mga susunod na araw
- 12 sa 15 brgy. sa San Mateo, Rizal, binaha; apektado rin kabuhayan ng mga residente
- 18 barangay sa Candaba, Pampanga, lubog sa baha; bangka na ang transportasyon
- Mga senior, buntis at mga bata, ilan sa sinagip at inilikas
- Baha, perwisyo sa mga commuter pero ikinatuwa ng mga batang naglangoy
- 1,400 residente sa isang barangay kabilang ang ilang senior, inilikas
- Props ng pelikulang "Green Bones," dinonate sa Manila City Jail
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.