Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Martes, July 15, 2025.
- Umano'y safehouse ng mga kidnapper, natunton; 12 sangkot kabilang ang 6 na Chinese, arestado
- Higit P300M halaga ng shabu, nasabat sa bagahe ng 2 Pinoy galing Canada; inaalam kung magkasabwat
- Istruktura ng mga resort, nasira sa pagguho ng kinatatayuan sa beach
- ROV, isinailalim sa evaluation at test dive para makita kung epektibo sa paghahanap sa lawa
- PNP Forensic Group: Posibleng sa iisang tao lang ang mga nakuhang buto sa Taal Lake
- Nag-withdraw gamit ang ATM card ng isa sa mga nawawala, magiging testigo ayon kay Patidongan
- Malacañang: Pineke at dinoktor ang police report na nag-uugnay kay First Lady liza Araneta-Marcos sa pagkamatay ng negosyanteng si Paolo Tantoco
- NAPOLCOM: 6 sa 18 pulis na inireklamo ni Patidongan, dismissed na sa serbisyo; 12 pinadalhan ng summons
- Trust rating ng matataas na opisyal ng gobyerno, tumaas batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations o SWS
- "Beauty Empire," dream project para kay Barbie Forteza dahil sa tema nitong women empowerment
- Planong gastusin ng gobyerno sa 2026 na ihihingi ng P6.793T sa Kongreso, inaprubahan ni PBBM
- Bagong Low Pressure Area, nabuo sa loob ng Philippine Area of Responsibility
- LTO, sinabing wala nang backlog sa plaka; target mai-deliver lahat sa regional office sa Oktubre
- Arnie Teves, tumangging magpasok ng plea kaugnay sa kasong isinampa noong 2019
- World Bank: 5.2% average na paglago ng ekonomiya, 'di sapat para sa target na walang mahirap sa 2040
- Umano'y 2 holdaper, nakuhanan ng baril, granada at ride-hailing app uniform nang maaresto
- Panukala sa Senado: I-ban din kahit ang mga online sugal na kasalukuyang lisensyado
- Rabiya Mateo, proud milestone na makabili at ma-renovate ang bahay matapos ma-scam last year
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.