Narito ang mga balitang ating tinutukan ngayong Linggo, July 6, 2025.
- Grade 10 student, sinaktan ng dalawang estudyante sa Isabela, Basilan
- Irrigation canal sa Sarangani, umapaw dahil sa lakas ng ulan; kapilya, pinasok ng baha
- 3 magkakaanak, nasawi sa sunog; padre de pamilya, sugatan
- Pulis na in-upload ang maseselang video nila ng kasintahan at tinakot umano siya para muling magkita, timbog
- Mga buto ng mga nawawalang sabungero, posible pang marekober sa Taal Lake, ayon sa DOST
- Lagay ng panahon sa Ilocos Norte, mas maayos na; pagpalaot bawal ulit, ayon sa PDRRMO
- Nakaparadang kotse sa Caloocan, binasag ang bintana at ninakawan
- China, hinikayat ang mga kabataang Pilipino na labanan ang "misinformation"
- Presyo at kalidad ng gulay, apektado ng masamang panahon
- Pagdepende ng mga estudyante sa A.I., posibleng makaapekto sa critical thinking nila base sa isang pag-aaral
- Bagyong Bising, naging typhoon sa labas ng PAR; tropical cyclone wind signal, itinaas
- P250 umento sa sahod, pinakamataas sa mga panukalang inihain sa Senado; P200 isa sa mga bersyon ng panukalang wage increase sa Kamara
- Driver's license ng content creator na nagse-cellphone habang nagmamaneho, sinuspende ng LTO
- Ilan sa mga ganap before, during, at after the Big Night ng "PBB: Celebrity Collab Edition"
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.