Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Lunes, June 30, 2025.
- Pader na harang sa ilog sa Navotas, bumigay; hanggang 60 pamilya, nasa evacuation dahil sa nasirang bahay
- Minimum wage sa Metro Manila, itataas sa P50 simula July 18
- Dump truck ng munisipyo, tinangay at ibinenta; suspek na utility helper at 3 iba pa, tinutugis
- Mga nasa likod ng video ng bumaligtad na witness sa Senate investigation kay Pastor Apollo Quiboloy, kakasuhan ni Hontiveros sa NBI
- Ilang motorista, nakukulangan sa nakatakdang oil price rollback bukas kumpara sa big-time OPH noong nakaraang linggo
- P700M na halaga ng shabu, nasabat sa isang Chinese at Pilipino; iniimbestigahan kung konektado sa floating shabu dahil sa basang packaging
- Mga sundalong Pilipino, muling nagsanay sa paggamit ng high mobility artillery rocket system o HIMARS ng US Army
- Pangamba ng ilan: Baka malabag ang 1-year ban ng Constitution kung magpasa ng certification na gusto ng 20th Congress na ituloy ang impeachment trial
- DOJ Sec. Remulla, magsusumite ng aplikasyon bilang Ombudsman
- Baha, landslide at rockslide, namerwisyo sa ilang bahagi ng bansa dahil sa Habagat
- Hontiveros: Panumpain na bilang impeachment judges ang 12 senador na nanalo nitong Eleksyon 2025
- Maynila, isinailalim sa state of health emergency dahil sa mga 'di nakokolektang basura
- Low Pressure Area, namataan sa loob ng Philippine Area of Responsibility
- Mas maraming Pilipino ang nagsabing pabor sila na muling sumali ang Pilipinas sa International Criminal Court matapos itong kumalas noong 2019, batay sa resulta ng survey ng Octa Research
- Mga bagong sang'gre, makikitang lumalaban sa digmaan sa Encantadia simula mamayang gabi
- COMELEC En Banc, pinagtibay ang desisyong ipawalang-bisa ang COC ni Uy at ideklarang panalo bilang Manila 6th District Rep. si Abante
- Pagbili ng NFA ng mais mula sa mga magsasaka tulad ng ginagawa sa palay, iniutos ni PBBM
- Literal na pagka-"fall" ng isang fan sa gitna ng performance ni Paul Salas, nag-viral
- Joross Gamboa, may kwelang post kasama ang "Sanggang-Dikit FR" co-stars na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.